The University Student Council Elections or presently known as the HalalanUPD is the selection of leaders of elective positions in the University Student Council.
The elections aims to uphold the autonomous, democratic and representative character of the University Student Council.
The elections are headed by the University Student Electoral Board (USEB) composed of the Vice Chancellor for Student Affairs Jerwin F. Agpaoa as Ex-Officio Chairperson, two faculty members and two student members.
Since HalalanUPD2015, the USEB has been campaigning for an honest, impartial and efficient elections. During the previous HalalanUPD, the USEB included transparency and accountability of political parties on the subject of election spending in their fight for a clean and honest elections.
Click here to view the Revised University of the Philippines Diliman Student Election Code
- HalalanUPD2019 Results
- Halalan UPD 2017
- HalalanUPD2016 [with Erratum] 2016 Voting Population: 26,061
- HalalanUPD2015
- HalalanUPD2014
- HalalanUPD2013
- HalalanUPD2012
- HalalanUPD2010
- HalalanUPD2009
- HalalanUPD2008
- HalalanUPD2007
Kung paano pinangangasiwaan ang taunang USC Elections:
1. Tungkulin ng University Student Council (USC)
Kasama ang USC (na karaniwang kinakatawan ng Tagapangulo) sa mga paunang pulong para sa paghahanda ng Halalan. Kasama dito ang pagno-nomina ng mga pangalan para sa bubuo ng Electoral Board at Electoral Tribunal ng eleksyon, ang iskedyul nito at ang guguling badyet sa pagpapatakbo nito.
Tungkulin ng Tagapangulo na maging obhektibo at imparsyal sa buong proseso ng eleksyon mula sa pagsusumite ng mga nominadong pangalan para sa USEB at USET hanggang sa panahon ng pangngampanya.
2. Tungkol sa University Student Electoral Board (USEB)
Pinangangasiwaan ng USEB ang buong proseso ng UPD USC Elections para sa mga posisyon sa lebel ng University Student Council. Kasama dito ang posisyon ng Tagapangulo (Chairperson), Pangalawang Tagapangulo (Vice-Chairperson), mga Konsehal (Councilors) at mga Kinatawan ng Kolehiyo (College Representatives). Ang mga katulad na posisyon sa lebel ng Kolehiyo ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng kani-kanilang College Student Electoral Board (CSEB).
May limang (5) tao na bumubuo sa USEB. Ex-officio na Tagapangulo ng Lupon ang Bise-Chanselor para sa Usaping Pangmag-aaral. Kasama niya sa Lupon ang apat (4) pang miyembro: dalawang (2) guro at dalawang (2) estudyante, na opisyal na hinihirang ng Chanselor at pinili mula sa listahan ng mga nominado o inendorsong pangalan ng USC.
3. Tungkol sa University Student Electoral Tribunal (USET)
Pinangangasiwaan ng USET ang pagdinig sa mga kaso ng reklamo pagkatapos ng paghirang sa mga nanalong kandidato sa eleksyon para sa lebel ng University Student Council. Ang pagdinig ng kaso para naman sa lebel ng Kolehiyo ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng kani-kanilang College Student Electoral Tribunal (CSET).
May tatlong (3) tao na bumubuo sa USET na pawang mga guro. Pumipili sila ng Tagapangulo mula sa kanilang pangkat. Opisyal rin silang hinihirang ng Chanselor para sa kanilang gawain at pinili mula rin sa listahan ng mga nominado o inendorsong pangalan ng USC.
4. Sanggunian para sa mga usapin sa University Student Council Elections
Mula sa pinakahuling aprubadong Revised University of the Philippines Diliman Student Election Code sumasangguni ang USEB at USET para sa kanilang mga pagpapasya. May ganito ring kodigo ang mga Kolehiyo na sumasaklaw naman sa mga usapin sa lebel ng kani-kanilang Kolehiyo.
5. Tungkol sa gampanin ng Office of Student Activities (OSA) bilang Secretariat
Opisyal na itinatalaga ng Chanselor, sa rekomendasyon ng Bise-Tsanselor para sa Usaping Pangmag-aaral, ang OSA para magsilbing Secretariat ng USEB at USET para sa mga proseso bago, habang at pagkatapos ng eleksyon. Pinangangasiwaan ng OSA ang pakikipag-ugnayan sa mga opisina, mga komunikasyon, at iba pang paghahanda at gawain sa pagpapatakbo ng USC Elections batay sa tagubilin ng USEB.
6. Tungkol sa Halalan software program
Ang software program na “Halalan” ay isang open-source program na dating proyekto ng UP Programming Guild (UnPLUG) at ibinigay nang buo at libre sa Unibersidad noong 2007. Sinimulan itong gamitin para sa College of Engineering Elections noong 2007 at itinalaga namang gamitin para sa USC Elections simula noong 2009.
7. Tungkol sa Halalan/OSA technical volunteers
Dahil sa lawak ng taunang eleksyon, kumukuha ang OSA ng student volunteers upang tumulong dito. Kadalasang iniimbitahan ang mga DOST scholar para sa gawaing ito bagama’t nagpapatawag at binubuksan ng opisina ito para sa lahat ng di-gradwadong estudyanteng interesado. Gaya ng pagpili sa bubuo ng mga miyembro ng USEB at USET, pangunahing kailanganin sa mga volunteer ang pagiging non-partisan upang masiguro ang katapatan ng eleksyon.
Primaryang gawain ng mga volunteer ang pagtulong sa maayos na pagpapatakbo ng eleksyon na may kaugnayan sa teknikal na aspeto nito. Nagtatalaga ng kahit isa sa bawat presinto ang OSA sa araw ng halalan.
8. Mga Opisyal na Partner Organization
Bunsod ng hangaring masiguro ang maksimum na partisipasyon ng mga estudyante sa botohan, nagpapatawag ang USEB ng mga volunteer na student organization upang makatuwang sa pagpapakalat ng impormasyon at pag-engganyo sa kanilang kapwa mag-aaral na bumoto sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto o aktibidad. Gaya ng technical volunteers, pangunahing kailanganin sa student organization ang pagiging non-partisan ng organisasyon. Ang mga napiling organisasyon ay itinatalagang official partner ng Halalan at isinasama sa mga impormasyon at publisidad tungkol dito.
The Affirmation and Turnover Ceremonies of the University Student Council AY 2019-20
This event was lead by Dr. Michael L. Tan, Chancellor of the University of the Philippines Diliman. The symbolic turnover of responsibility to the incoming USC Chairperson, Sean Angelo Thakur, was headed by the outgoing USC Chairperson, Kisha Marielle Beringuela. The event was held last 25 June 2019 at the Balay Kalinaw Conference Hall.
Roster of USC Chairperson 2019 - 20 Sean Angelo Thakur
2018 - 19 Kisha Marielle Beringuela
2018 - 19 Jose Rafael Toribio 2017 - 18 Benjie Aquino 2016 - 17 Bryle Leano 2015 - 16 JP Delas Nieves 2014 - 15 Arjay Mercado 2013 - 14 Anna Alexandra Castro 2012 - 13 Gabriel “Heart” Diño 2011 - 12 Jemimah Grace Garcia 2010 - 11 Rainier Astin R. Sindayen 2009 - 10 Titus CK Tan 2008 - 09 Herminio Bagro III 2007 - 08 Shahana Abdulwahid E. 2006 - 07 Juan Paolo Alfonso 2005 - 06 Marco Dominic De los Reyes 2004 - 05 Kristian R. Ablan 2003 - 04 J. Paul Manzanilla 2002 - 03 Rommel A. Romato 2001 - 02 Nova Z. Navo 2000 - 01 Raymond Palatino 1999 - 2000 Ma. Cielo D. Magno 1998 - 99 Giancarlo Sambalido 1997 - 98 Percival V. Cendaña 1996 - 97 Ibarra Gutierrez 1995 - 96 Oliver San Antonio 1994 - 95 Paul Roderick Ismael 1993 - 94 Teddy Rigoroso 1992 - 93 Rhoneil Fajardo 1991 - 92 Angelo A. Jimenez 1990 - 91 Rex Varona 1989 - 90 Amante Jimenez, Jr. 1988 - 89 Gonzalo Bongolan 1987 - 88 David Celdran 1986 - 87 Francis Pangilinan 1985 - 86 Jose Luis Martin Gascon 1984 - 85 Maria Lourdes Almazan 1983 - 84 Leandro Alejandro 1982 - 83 Jesse John Gimenez 1981 - 82 Jose Fernando Alcantara 1980 - 81 Maria Lourdes C. Mangahas 1972 Jaime G. Tan 1971 - 72 Manuel L. Ortega 1970 - 71 Ericson M. Baculinao 1969 - 70 Fernando Barican 1968 - 69 Antonio Pastelero 1967 - 68 Delfin Lazaro 1966 - 67 Enrique Voltaire Garcia II 1965 - 66 Tristan A. Catindig 1964 - 65 Benjamin N. Muego 1963 - 64 Leonardo A. Quisumbing 1962-63 Eric O. de Guia 1961-62 Enrique Voltaire Garcia II 1956-57 Fernando A. Lagua 1955-56 Fernando C. Campos 1954-55 Elias B. Lopez 1953-54 Jose Palanca, Jr. 1952-53 Rafael M. Salas 1951-52 Marcelo B. Fernan 1950-51 Teodoro Padilla 1949-50 Antonio M. Meer 1948-49 Emilio Espinosa, Jr. 1947-48 Delfin Villanueva 1946-47 Troadio T. Quiazon, Jr. 1944 Troadio T. Quiazon, Jr. 1943 Quintin Gomez 1941-42 Antonio Azores 1940-41 Hermogenes Concepcion, Jr. 1939-40 Florante Roque 1939-40 Florante Roque 1937-38 Roberto S. Benedicto 1936-37 S. Angeles 1935-36 1. Potenciano Ilusorio 2. Jose B. Laurel, Jr. 1934-35 Avelino Pascual 1933-34 1. Ramon Enriquez 2. Alberto Leynes 1932-33 Wenceslao Q. Vinzons 1931-32 Manuel Sevilla 1930-31 Enrique J. Corpus 1929-30 Gregorio Lantin 1928-29 Lorenzo Sumulong 1927-28 Ramon Nolasco 1926-27 Juan Chuidian 1925-26 Eduardo R. Alvarado